COVID-19 CASES 863 NA LANG

NASA 863 na lang ang panibagong napaulat na kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes, Nobyembre 26, pumalo na sa 2,830,387 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 17,853 o 0.6 porsiyento ang aktibong kaso.

51.5 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.6 porsiyento ang asymptomatic; 21.57 porsyento ang moderate; 14.2 porsiyento ang severe habang 6.1 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 142 naman ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 48,017 o 1.70 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 791 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,764,517 o 97.7 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.