POSIBLENG mas mababa pa sa 500 kaso ng Covid-19 kada araw ang maitala sa bansa pagsapit ng Kapaskuhan.
Ito’y ayon sa OCTA Research Group kung saan maaari na aniyang isailalim sa alert level 1 ang ilang bahagi ng bansa kung walang makikitang banta ng Omicron variant.
Sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA, maaaring maitala ang 100 o mababa rito ang Covid-19 case kada araw sa NCR ngayong Disyembre.
Paliwanag ni David, tila nawawala na kasi aniya ang presensya ng Delta.
Batay sa huling datos ng DOH, naitala ang 425 bagong kaso ng Covid-19. DWIZ882