BAHAGYANG bumagal ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa nakalipas na linggo.
Ayon ito kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire bagama’t nakikita nilang dahil ito sa hindi kaagad na-interpret na data bunsod ng nabawasan ding test output mula sa mga laboratory.
Dahil dito, muling ipinabatid ni Vergeire na tinututukan nila ang pagbaba ng bilang ng COVID-19 tests na isinagawa ng mga laboratoryo sa bansa.
Isa aniya sa mga factor na iniimbestigahan nila ay ang paggamit ng antigen COVID-19 tests sa halip na RT-PCR tests.
Sinabi ni Vergeire na ilang ospital, doktor at maging mga bahay ay gumagamit ng antigen COVID-19 tests na ang resulta ay dapat inire-report sa local government.
Araw ng Sabado ay nasa 16,907 ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Nasa 27,120 ang bagong bilang ng gumaling at 177 naman ang bagong mga nasawi.
490882 127082This is an excellent post and I completely realize exactly where your coming from within the third section. Perfect read, Ill regularly follow the other reads. 328065