COVID-19 CASES BAHAGYANG BUMABA SA 18,012

UMAABOT  pa sa 18,012 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa nitong Martes.

Base sa DOH case bulletin no. 542, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit ay umakyat na sa 2,121,308 ang naitatalang total COVID-19 cases sa bansa hanggang nitong Setyembre 7, 2021.

Sa naturang kabuuang kaso naman, 7.5% pa o 158,637 pa ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman at maaari pang makahawa.

Sa mga aktibong kaso, 92.0% ang mild, 3.4% ang asymptomatic, 2.49% ang moderate, 1.4% ang severe at 0.7% ang critical.

Nakapagtala rin ang DOH ng 18,945 pang bagong pasyente na gumaling na sa karamdaman, sanhi upang umabot na sa 1,928,173 ang total COVID-19 recoveries sa bansa, o 90.9% ng total cases.

Samantala, mayroon pang 161 pasyente ang sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa karamdaman kaya’t umaabot na ngayon sa 34,498 ang COVID-19 death toll sa bansa o 1.63% ng total cases.

Kaugnay nito, sinabi ng DOH na mayroon pa ring 35 duplicates silang inalis mula sa total case count, kabilang dito ang 28 recoveries.

Mayroon ding 105 kaso na unang tinukoy bilang recoveries sa pinal na balidasyon ay natuklasang binawian na pala ng buhay. Ana Rosario Hernandez

2 thoughts on “COVID-19 CASES BAHAGYANG BUMABA SA 18,012”

  1. 82360 217000Cheapest player speeches and toasts, or maybe toasts. continue to be brought about real estate . during evening reception tend to be likely to just be comic, witty and therefore instructive as properly. greatest man speeches free 525424

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *