COVID-19 CASES BUMABA PA SA 2,010

PATULOY ang pagbaba ng aktibong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas at nitong araw ng Martes ay nakapagtala ng 2,010 bagong kaso sa loob ng 24 oras.

Sa 3,641,940 na confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa, na 72,305 o 2.0 porsiyento ang aktibong kaso, base sa huling datos ng Department of Health (DOH).

1,498 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 66,093 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,961 ang moderate, 1,441 ang severe, habang 312 naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 52 naman ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 55,146 o 1.51 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 6,293 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 3,514,489 o 96.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.