BUMABA sa 7,689 ang napaulat na bagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) Sabado ng hapon, Pebrero 5, pumalo na sa 3,601,471 ang confirmed cases ng COVID-19 sa bansa.
Sa nasabing bilang, 136,436 o 3.8 porsiyento ang aktibong kaso, 7,069 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 124,476 ang nakararanas ng mild symptoms, 3,106 ang moderate, 1,468 ang severe, habang 317 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Isa lang ang napaulat na nasawi.
Nasa 54,214 o 1.51 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 22,539 ang gumaling pa sa COVID-19 kaya umakyat na sa 3,410,821 o 94.7 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.