COVID-19 CASES BUMABABA

UNTI-UNTI nang bumababa ang bilang ng aktibong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Naitala ang 9,493 na bagong kaso ng nakahahawang sakit sa nakalipas na 24 oras.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Martes, Pebrero 1 ay pumalo na sa 3,569,665 ang confirmed cases ng COVID-19 sa bansa.

Sa nasabing bilang, 176,053 o 4.9 porsiyento ang aktibong kaso.

Nasa 51 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 54,054 o 1.51 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 24,210 ang gumaling pa sa COVID-19 kaya umakyat na sa 3,339,558 o 93.6 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.