COVID-19 CASES NAKAPAKO SA MAHIGIT 30K

NASA  32,744 ang napaulat na bagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas sa araw ng Biyernes.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00 ng Enero 21, pumalo na sa 3,357,083 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 291,618 o 8.7 porsiyento ang aktibong kaso.

9,015 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 277,833 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,979 ang moderate, 1,487 ang severe, habang 304 naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Iniulat pa ng DOH na 156 ang nasawi.

Umakyat na sa 53,309 o 1.59 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa habang 16,385 naman ang gumaling pa.

Pumalo na sa 3,012,156 o 89.7 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.