COVID-19 CASES NANATILING MATAAS

DOH

UMAABOT  pa sa 18,528 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa.

Batay sa case bulletin no. 533, iniulat ng DOH na dahil sa mga bagong kaso ng sakit, hanggang nitong Agosto 29, 2021, umaabot na sa 1,954,023 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.

Anang DOH, sa naturang total cases, 7.3% pa o 143,221 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman at maaari pang makahawa, kabilang dito ang 95.3% ang mild cases, 2.0% ang asymptomatic, 1.1% ang severe, 1.0% ang moderate, at 0.6% ang kritikal.

Nasa 17,922 naman ang naitalang bagong gumaling mula sa karamdaman kaya’t umaabot na sa ngayon ang total COVID-19 recoveries sa bansa sa 1,777,693 o 91% ng total cases.

Samantala, mayroon pang 101 mga pasyenteng binawian ng buhay dahil sa karamdaman kaya’t sa kabuuan, umaabot na sa 33,109 ang total COVID-19 deaths sa bansa o 1.69% ng total cases.

Ayon sa DOH, mayroon pa ring 205 duplicates ang inalis ng DOH mula sa total case count, kabilang dito ang 204 recoveries.

Mayroon ding 38 kaso na unang tinukoy bilang recoveries ang malaunan ay natuklasang pumanaw na pala matapos ang pinal na balidasyon.

Sinabi ng DOH na base sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Agosto 27, 2021 habang mayroong pitong laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

“Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 7 labs na ito ay humigit kumulang 2.7% sa lahat ng samples na naitest at 2.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” dagdag pa ng DOH.

Dagdag pa ng DOH, inaasahan na nilang sa mga susunod na araw ay maaari pang tumaas ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

“Ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging pagsasagawa ng PDITR strategies, at pagbabakuna ay nanatiling pinakapabisang depensa sa COVID-19. Mahalaga rin na tayo ay mag-isolate at makipag-ugnayan sa BHERTs kung tayo ay may sintomas ng COVID-19. Ang maagang konsultasyon at pagpapa-test ay makatutulong upang maputol ang hawaan sa mga bahay, komunidad, at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan,” anang DOH. Ana Rosario Hernandez

90 thoughts on “COVID-19 CASES NANATILING MATAAS”

  1. 604586 992051Beging with the entire wales nicely before just about any planking. Our own wales can easily compilation of calculated forums those thickness analysts could be the related to some of the shell planking along with more significant damage so that they project after dark planking. planking 334947

  2. 105333 296831Youre so cool! I dont suppose Ive learn anything like this before. So nice to find any person with some authentic thoughts on this subject. realy thank you for starting this up. this internet site is something that is wanted on the internet, someone with a bit bit originality. valuable job for bringing something new towards the internet! 991082

Comments are closed.