COVID-19 CASES, NASAWI BUMABA

INIULAT ng Department  of Health dakong alas-8:00 ng gabi ng  Oktubre 4, 2021, na  nakapagtala ng 10,748 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.1% (106,160) ang aktibong kaso, 94.4% (2,459,052) na ang gumaling, at 1.49% (38,828) ang namatay.

Samantala,  mayroon namang naitalang 16,523 na gumaling at 61 na binawian ng buhay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Oktubre 2, 2021 habang mayroong tatlong  laboratoryo na hindi nakapag-sumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 laboratoryo na ito ay humigit kumulang 0.3% sa lahat ng samples na nai-test at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Ayon sa DOH, bagama’t bumaba ang bilang ng a mga kaso, mapapansin na mataas pa rin ang  healthcare utilization rate kaya himok sa publiko ay huwag ma­ging kampante at patuloy na sumunod sa minimum public health standards at magpabakuna kapag  eligible na upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *