TINATAYANG papalo sa 40,000 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa bago matapos ang buwang ito.
Babala ito ng UP experts matapos ilatag ang data hinggil sa transmission ng nasabing virus.
Ayon kay Institute of Mathematics Assistant Professor Guido David, ang transmission o pagkalat ng virus ay sinusukat sa pamamagitan ng ratio ng infection at recovery rate o reproduction number na kung mas mataas sa isa nangangahulugan itong ang virus ay kumakalat, subalit kapag ang reproduction number ay mas mababa sa isa, masasabi nang mayroon nang flattening of the curve.
Sa ngayon aniya ay mayroong 1.2 reproduction number ang Filipinas samantalang ang National Capital Region (NCR) at Cebu ay maituturing na battlefield ng COVID-19 kung saan bumaba na ang reproduction number sa mas mababa sa isa sa Metro Manila na nangangahulugang mayroon nang flattening of the curve sa rehiyon.
Dahil dito, inirekomenda naman ni Department of Political Science Assistant Professor Ranjit Rye sa Department of Health (DOH) na i-monitor ang sitwasyon at higit na tutukan ang sitwasyon sa Cebu kung saan mabilis ang pagkalat ng virus.
Binigyang diin pa ni Rye ang responsibilidad ng komunidad para malabanan ang virus sa pamamagitan ng health protocols.
Comments are closed.