INIULAT ng Department of Health (DOH) na pumalo na sa 296,755 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases na naitala sa bansa.
Sa case bulletin na inisyu ng DOH, ito’y matapos silang makapagtala ng 2,180 bagong kaso ng COVID-19 hanggang kahapon.
Pinakamarami sa bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region (NCR) na umabot sa 802 new cases, sinundan ng Laguna na may 292, Batangas na may 152, Cavite na may 144 at Negros Occidental na may 87 new cases.
Samantala, may 580 namang bagong gumaling mula sa virus kaya’t sa kabuuan ay nasa 231,928 na ang bilang ng COVID-19 recoveries sa bansa.
May 36 namang naitala ang DOH na bagong nasawi dahil sa virus.
Sa bilang na ito 23 ay nasawi ngayong Setyembre, 7 noong Agosto, 2 noong Hulyo, 2 noong Hunyo, 1 noong Mayo at 1 noong Abril.
Sa ngayon, pumalo na sa 5,127 kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID- 19.
May 16 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 na kanilang naireport.
Kasunod pa rin ito ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.