PUMALO na sa 328.82 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 328,826,023 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Hindi pa rin natitinag sa pangunguna sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 66,995,533 cases.
Sumunod ang India na may 37,380,253 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 23,006,952 ang kaso sa Brazil habang 15,217,280 ang napaulat na kaso sa United Kingdom; France – 14,172,384, Russia – 10,803,534, Turkey – 10,457,164, Italy – 8,706,915, Spain – 8,093,036,Germany – 7,991,432, Argentina – 7,094,865, Iran – 6,221,033 at Colombia – 5,543,796.
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,557,754 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 267,714,615 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.