COVID-19 CASES SA BUONG MUNDO, 93.53-M NA

covid

UMAABOT na sa mahigit 93.53 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa  huling tala, pumalo na sa kabuuang 93,533,917 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang mga bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 23,848,410 cases. Sumunod rito ang India na may 10,528,508 cases.

Ang Brazil naman ay nasa 8,326,115 cases  habang 3,495,816 ang napaulat na kaso sa Russia.

Sumunod dito ang United Kingdom – 3,260,258; France – 2,851,670; Turkey– 2,364,801; Italy – 2,336,279; Spain – 2,211,967; Germany –  2,004,011; Colombia – 1,849,101; Argentina – 1,770,715; Mexico – 1,588,369; Poland – 1,414,362; Iran – 1,311,810; South Africa – 1,296,806; Ukraine – 1,138,764; Peru – 1,048,662.

Umakyat na sa kabuuang 2,002,411 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 66,835,146 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Samantala,naniniwala  si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque,  na hindi na kakailanganin pang bakunahan kontra COVID-19 ang mga menor de edad, kung tuluyan nang mawawala ang transmission ng virus oras na matapos maturukan ang mga ‘adult’ Filipinos.

Nangangahulugan lang kasi na mababa na ang tsansang dapuan pa ng virus ang mga kabataan dahil nabakunahan na ang mga nakatatandang nakapalibot sa kanila.

Comments are closed.