UMABOT na sa critical level ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa East Avenue Medical Center sa Quezon City.
Ipinabatid ni Dennis Ordonia, tagapagsalita ng EAMC, na tumaas ang bilang ng COVID-19 patients sa kanilang ospital mula nang ibaba sa general community quarantine ang Metro Manila.
Sinabi ni Ordonia na nasa 20 porsiyento ng mga pasilidad ng EAMC ay nakalaan sa COVID-19 patients subalit target nilang itaas ito sa 30 porsiyento para ma-accommodate ang mas marami pang pasyenteng dinapuan ng COVID-19. DWIZ882
Comments are closed.