MULA sa mahigit 181,000 pumalo pa sa 183,991 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod ng Quezon.
Ito ay makaraang makapagtala ang QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) ng mahigit sa dalawang libo o 2,223 ng panibagong dinapuan ng naturang virus ang lungsod.
Bukod dito, umakyat din sa mahigit tatlong libo o nasa 3,560 na ang kumpirmadong aktibo sa kaso o yung patuloy na nagpapagaling.
Maging ang mga binawian ng buhay sa QC mula sa COVID-19 ay nadagdagan ng tatlo kung kayat umabot na sa 1,632 ang lahat ng nasawi.
Gayunpaman, nakapagtala naman ang CESU ng 94 na gumaling kung kaya’t umabot na sa 178,799 ang mga nakarekober mula sa COVID19 sa Quezon City. EVELYN GARCIA