“SUPPRESS the numbers.”
Ito ang pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno, kaugnay ng patuloy na layunin ng pamahalaang lokal na lalo pang pababain hanggang sa tuluyang mawala na ang kaso ng COVID tulad na rin ng ginawa ng may 73 barangay na tumanggap ng P100,000 bawat isa dahil sa pagiging COVID-free sa loob ng dalawang buwan.
Sa isang panayam sa Bonifacio Shrine matapos ang regular flag-raising ceremony, sinabi ni Moreno na base sa bilang na nagmula at naberipika ni Manila Health Department (MHD) chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan, ang kaso na naitatala ay nasa 500 sa loob ng nakalipas na dala-wang linggo at umaasa sila na mapapababa pa ito sa 400 o mas mababa pa.
Samantala ang budget allotment para dito ay inasikaso ng Manila City Council sa pangunguna ni Vice Mayor Honey Lacuna bilang presiding officer.
Sa pagbibigay parangal sa nasabing bilang ng barangay na hindi nakapagtala ng bagong kaso ng COVID, sinabi ni Moreno na dapat mag-tanong sa mga kalapit barangay kung paano nagawa ang zero COVID sa loob ng dalawang buwan.
“Ang goal natin ay zero COVID-19 infection for two months sa barangay, and I believe that you can do it. That is why we want to give you incentives,” ani Moreno.
Gayundin, inatasan ng alkalde ang business permit and licensing office na hikayatin ang mga nagnanais na sumali sa Christmas bazaars para kumita.
“While we still focus principally on suppressing the COVID cases, we will also find ways to create job opportunities in the city amid the pandemic,” paninigurado ni Moreno. VERLIN RUIZ
Comments are closed.