COVID-19 CASES SA NCR KONTROLADO PA RIN

covid patient

KONTROLADO pa at hindi maituturing na may pagsirit ng kaso ng coronavirus disease sa Metro Manila kahit pa tumaas ng hanggang 25 ang kaso ng Delta variant sa loob ng dalawang linggo.

Ito ang iniulat ni Dr. Manuel Mapue II  ng Department of Health-National Capital Region (DOH-NCR) Regional Epidemiology and Surveillance Unit sa ginanap na Laging Handa public briefing kahapon.

“Based on our data until yesterday, we cannot say that there was already a surge. We don’t have any evidence yet to call this a surge although we can see that the number of cases has started to rise,”  paliwanag ni Mapue batay sa kanilang pag-aaral sa daily attack rate.

Gayunman, sinabi ni Mapue na mayroong mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga lungsod ng Las Piñas, Makati, Pasay, at San Juan subalit may mga araw na mababa ang kaso.

“There are other local government units wherein (cases of COVID-19) have also started to rise although not yet stable, there were days that (the cases) were low,” ayon kay Mapue.

Inamin din ng dalubhasa na mayroong 25 kaso ng Delta variant sa Metro Manila,  tig-isa sa Las Piñas, Makati, Malabon, Parañaque, Quezon City, at Taquig; sampu sa Maynila; pito sa Pasig; at dalawa sa San Juan.

Sa nasabing bilang, isa ang nasawi habang ang 16 ay aktibo.  EVELYN QUIROZ

Comments are closed.