COVID-19 CASES SA PH 195K NA

DOH-COVID

INIULAT ng Department of Health (DOH) na umaabot na sa halos 195,000 ang kabuuang bilang ng naitatalang coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa, habang mahigit 132,000 naman sa mga ito ang gumaling na.

Batay sa case bulletin #163 na inilabas ng DOH, nabatid na hanggang 4:00 PM ng Agosto 24 ay nakapagtala pa sila ng karagdagang 4,686 bagong kaso ng sakit sanhi umakyat na sa 194,252 ang total COVID-19 cases sa Filipinas.

“As of 4PM today, August 24, 2020, the Department of Health reports the total number of COVID-19 cases at 194,252,” anang DOH. “A total of 4,686 confirmed  cases are reported  based on the total tests done by 95 out of 109 current operational labs.”

Ayon sa DOH, sa kabuuang kaso ng sakit, 59,200 pa ang nananatiling aktibong kaso, habang 91.5% ng mga ito ay mild cases, 6.1% ang asymptomatic, 1.0% ang severe at 1.4% naman ang critical.

Pinakamarami pa ring naitalang bagong kaso ng sakit sa National Capital Region (NCR), na umabot sa 2,519; sumunod ang Laguna na may 286; Cavite na may 218; Bulacan na may 189; at Rizal na may 179 new cases naman.

Anang DOH, ang magandang balita naman ay nakapagtala rin sila ng panibagong 729 pasyente na gumaling na sa karamdaman sanhi upang umabot na ang kabuuang bilang ng COVID-19 recoveries sa Filipinas sa 132,042.

“DOH likewise announces 729 recoveries.  This brings the total number of recoveries to 132,042,” anang DOH.

“Note:  Of the 4,686 reported cases today, 4,045(86%) occurred within the recent 14 days (August 11-24, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (2,242 or 55%), Region 4A (723 or 18%) and Region 3 (285 or 7%),” dagdag p ang DOH.

Samantala, iniulat din ng DOH na umakyat na ngayon sa 3,010 ang kabuuang bilang ng COVID-19 death toll sa bansa, matapos na makapagtala pa ng 13 pasyente na binawian ng buhay dahil sa sakit.

Sa naturang 13 namatay, anim ang binawian ng buhay noong Agosto; anim din noong Hulyo at isa naman noong Hunyo.

Ang mga namatay ay mula sa NCR na nakapagtala ng walo, sumunod ang Region 4A na nakapagtala ng dalawa habang tig-isa naman ang naitang COVID-19 death ng Region 7, Region 5 at Region 11.

Mayroon din namang 35 na duplicates na inalis sa total case count.

Ayon sa DOH, sa naturang bilang, 17 ang recovered at isa ang patay.

Mayroon din 37 na unang napaulat na nakarekober sa karamdaman ngunit matapos ang final validation, natuklasan na lima sa kanila ang patay na at 32 naman ang active cases pa.

Patuloy pa naman ang ginagawang balidasyon at paglilinis ng DOH sa kanilang mga datos. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.