COVID-19 CASES SA PH PUMALO NA SA 403K

DOH

UMAKYAT na sa 402,820 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 19 (COVID-19) cases ang naitala sa bansa.

Batay sa case bulletin ng Department of Health (DOH), nakapagtala pa ang DOH ng 1,407 na bagong kaso ng COVID-19.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Davao City na may 214 new cases, kapwa naman may 75 new cases ang Eastern Samar at Rizal, may 64 new cases naman ang Cavite, habang 54 new cases naman ang Quezon.

May naitala namang 211 na bagong gumaling sa COVID-19 ang DOH.

Dahil rito, umabot na sa 362, 417 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa virus.

May 11  na bagong nasawi dahil sa virus.

Dahil rito, umabot na ngayon sa 7 721 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.