SUMIRIT na sa mahigit 435,000 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 1,733 panibagong COVID-19 cases araw ng Sabado, Disyembre 5.
Dahil dito, nasa 438,069 na ang total cases, kung saan 29,961 dito ay active cases.
Samantala, 133 ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t pumalo na 399,582 ang total recoveries
Habang 17 ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 8,526 na ang death toll ng coronavirus sa bansa. DWIZ882
Comments are closed.