COVID-19 CASES SA PINAS, 1.4-M NA

INIULAT ng Department of Health (DOH) na umaabot na ngayon sa 1,408,058 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa.

Ito’y matapos na makapagtala pa sila ng karagdagang 4,479 bagong kaso ng sakit hanggang 4:00PM ng Martes.

Batay sa case bulletin ng DOH, sa naturang kabuuang bilang ay 50,037 o 3.6% ng total COVID-19 cases, ang nananatiling active cases o nagpapagaling pa mula sa virus.

Karamihan naman sa mga naturang aktibong kaso o 90.4% ay mild cases, 4.4% ang asymptomatic, 1.5% ang kritikal, 2.1% ang severe at 1.54% ang moderate cases.

Nakapagtala rin naman ang DOH ng panibagong 6,471 mga bagong gumaling sa karamdaman, sanhi upang umakyat na sa 1,333,464 o 94.7% ng total COVID-19 cases, ang COVID-19 recoveries sa Pilipinas.

Samantala, mayroon namang 101 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa kumplikasyon ng COVID-19.

Dahil dito, nasa 24, 557 na ang total COVID-19 deaths sa Filipinas o 1.74% ng naitalang total COVID-19 cases. Ana Rosario Hernandez

43 thoughts on “COVID-19 CASES SA PINAS, 1.4-M NA”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *