MAY posibilidad na umabot na sa hanggang isang milyon ang mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa bago matapos ang buwan ng Abril.
Ito ay base na rin sa projection na inilabas ng OCTA Research group nitong Lunes.
Sa kanilang latest monitoring report, iniulat ng OCTA na bagamat ang COVID-19 transmission sa Metro Manila ay nakitaan na ng pagbagal dahil sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ), ang bilang ng mga kaso ay tumataas pa rin umano ng hanggang 20%.
“Before the end of April, the Philippines is expected to have recorded more than 1,000,000 total COVID-19 cases,” anang OCTA.
Hanggang nitong Linggo ng hapon, ang total COVID-19 infections sa bansa ay nasa 795,051 na, kasama rito ang 646,100 recoveries at 13,425 deaths.
Sinabi naman ng OCTA na ang reproduction number, o ang bilang ng mga taong naihahawa ng bawat pasyente ng COVID-19, ay bumaba na ng hanggang 1.61 mula Marso 29 hanggang Abril 4, ngunit nangangahulugan pa rin ito na ang bawat COVID-19 cases ay kayang makapaghawa ng higit pa sa isang pasyente.
Inaasahan naman ng OCTA na ngayong extended pa ng isang linggo ang enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus areas, ay higit pang bababa ang reproduction number ng sakit ng hanggang 1.3 o mas mababa pa, pagsapit ng Abril 11.
“It is clear that the lockdown has been effective in slowing down the increase in number of new cases in the NCR. With an additional week of ECQ… the goal is to bring the reproduction number down to 1 or close to it,” ayon pa sa mga eksperto.
Napuna rin umano nila na ang transmission ay bumagal na sa Maynila, Parañaque, Marikina, at Navotas, habang nakapagtala na rin ng downward trend ng mga bagong kaso ang Pasay at Makati.
Naobserbahan naman ang mabilis na pagdami ng sakit sa Mandaluyong, Las Piñas at San Juan.
“The goal is for these LGUs to have low or negative one-week growth rates in new COVID-19 cases very soon,” anito pa.
Kaugnay nito, sinabi rin ng OCTA na nakatulong sa pagpapababa ng hospital occupancy rate sa ilang lungsod, ang pagdaragdag ng mga pagamutan ng mga hospital beds para sa COVID-19 cases.
Gayunman, nagbabala ito na maaaring mabilis ring maokupa ang mga idinagdag na hospital beds, lalo na at posible anilang umabot pa rin ng mula 11,000 hanggang 12,000 ang maitatalang mga kaso ng sakit sa mga susunod na linggo. Ana Rosario Hernandez
624075 19294Howdy! Would you mind if I share your weblog with my twitter group? Theres a lot of people that I feel would really enjoy your content. Please let me know. Thanks 118167
74476 230097Yay google is my world beater assisted me to find this fantastic web site ! . 128506
794753 531482U never get what u expect u only get what u inspect 792315
173855 677981extremely good publish, i surely really like this internet web site, keep on it 863811