COVID-19 CASES SISIRIT SA 43K

PINANGANGAMBAHANG tumaas sa record level na 43,000 sa katapusan ng Setyembre ang arawang numero ng bagong COVID-19 infections, ayon sa Department of Health.

“Based on the daily cases here in the NCR and based on the assumptions or projections that we have, sa September 30 the cases may range from 16,000 to 43,000,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Nagkomento si Vergeire sa projection ng U.P. COVID-19 response team na maaring magkaroon ng 30,000-40,000 kaso sa kada araw sa kaparehong panahon.

Sinabi ni Vergeire na ang palagay na ito ay batay sa antas ng mobility, public health capacity and systems, at pagsunod sa pinakamaliit na pamantayan sa kalusugan ng publiko.

“So pagka atin pong na-improve itong mga nakalagay na factors sa assumptions, we might not reach these numbers,” dagdag ni Vergeire.
Binanggit pa ni Vergeire na sa nakaraang projection sa mga kaso ng COVID sa NCR na 80,000 noong nakaraang taon ay naiwasan dahil sa mga ginawang pag-iingat.

Ang NCR ay inilipat noong Setyembre 16 sa General Community Quarantine sa ilalim ng Alert Level 4, na bahagyang nagbukas ng paggalaw sa negosyo upang mapasigla ang ekonomiya. Ilan pa rin ang nagbukas na may restriksiyon tulad ng nga restaurant na 10 porsiyento lamang ang pinapayagan sa dine in.

80 thoughts on “COVID-19 CASES SISIRIT SA 43K”

Comments are closed.