SUMIRIT sa 32,246 ang naitalang kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas sa araw ng Miyerkoles, Enero 12.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) akas-4:00 ng hapon, pumalo na sa 3,058,634 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 208,164 o 6.8 porsiyento ang aktibong kaso.
Ang 6,435 rito ay asymptomatic o walang sintomas, 197,091 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,872 ang moderate, 1,468 ang severe, habang 298 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 144 ang nadagdag na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 52,654 o 1.72 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 5,063 ang gumaling pa sa COVID-19 kaya umakyat na sa 2,797,816 o 91.5 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.