COVID-19 CASES TULOY SA PAGBABA, 9,868 BAGONG KASO NAITALA

INIULAT  ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng 9,868 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa araw ng Miyerkoles.

Batay sa case bulletin #571 ng DOH, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon sa 2,622,917 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas hanggang Oktubre 6, 2021.

Sa naturang bilang, 4.3% pa o 112,807 ang nananatili pang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman, kabilang dito ang 76.7% ang may mild symptoms, 13.9% ang asymptomatic, 5.49% ang moderate, 2.8% ang severe at 1.2% ang kritikal.

Samantala, kakaunti lamang ang naitala ng DOH na gumaling mula sa karamdaman na umabot lamang sa 133.

Sa ngayon ang total COVID-19 recoveries sa bansa ay nasa 2,471,282 na o 94.2% ng total cases.

Dahil pa rin naman sa problemang teknikal sa COVIDKaya System ng DOH, wala pa ring naitalang COVID-19 deaths ang DOH kaya’t nananatili pa rin sa 38,828 ang COVID-19 death toll sa bans ana 1.48% ng total cases.

Mayroon namang 21 duplicates ang inalis ng DOH sa total case count, at sa naturang bilang, 16 ang recoveries.

“All labs were operational on October 4, 2021 while 2 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 2 non-reporting labs contribute, on average, 0.2% of samples tested and 0.1% of positive individuals,” anang DOH.

“The relatively lower case counts today is due to lower laboratory output last Monday, October 4,” anito pa.

Kaugnay nito, sinabi naman ng DOH na sa kabila ng nakikitang pagbaba ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 ay kapansin-pansin na mataas pa rin ang healthcare utilization rate kaya’t hindi pa rin anila dapat na magpabaya ang mga mamamayan at sa halip ay patuloy pa ring mag-ingat.

“Huwag tayong maging kampante at patuloy na sumunod sa minimum public health standards at magpabakuna kapag tayo ay eligible na upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19,” anang DOH. Ana Rosario Hernandez

4 thoughts on “COVID-19 CASES TULOY SA PAGBABA, 9,868 BAGONG KASO NAITALA”

  1. 958930 374684This website is often a walk-through like the information you wanted in regards to this and didnt know who to question. Glimpse here, and youll surely discover it. 249594

Comments are closed.