COVID-19 CASES TULOY SA PAGSIRIT, 26, 456 NAITALA SA ISANG ARAW

NASA  26, 456 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa araw ng Sabado, Enero 8, 2022.

Batay sa talaan ng Department of Health, nasa 2,936,875 na ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus.

Sa naturang bilang, nasa 102,017 ang aktibong kaso o 3.5 porsiyento.

Nasa 2,782,723 naman ang bilang ng mga gumaling o 94.8 porsiyento

May 265 ang bilang ng mga bagong namatay ngayon araw. Sa kabuuan, nasa 52,135 ang kabuuang bilang ng mga nasawi o 1.78 porsiyento.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational habang anim na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.