TUMAAS ng 19 porsiyento ang mga kaso ng COVID 19 sa Kalakhang Maynila sa nakalipas na pitong araw.
Ayon sa OCTA Research, ang pagtaas ay naitala mula noong Mayo 13 hanggang Mayo 19.
Sinabi ni OCTA fellow, Dr. Guido David,na 71 ang kaso kumpara sa naitalang 59 noong Mayo 6 hanggang Mayo 12.
Ngunit sinabi nito nananatiling nasa ‘low risk’ ang Kalakhang Maynila hanggang Mayo 19.
The one-week average daily attack rate increased from 0.42 to 0.50, but remained very low. The reproduction number increased to 0.90 (moderate risk level) from 0.76 (low risk level),” ani David.
Nananatili naman sa 1.2 percent and positivity rate sa 11,476 average tests na naisasagawa kada araw.
Nasa 22 porsiyento rin ang hospital care utilization rate.
Nitong Martes, kinumpirma na ng Department of Health (DOH) ang local transmission ng Omicron subvariant, na sinasabing mas mabilis maihawa sa iba kumpara sa unang Omicron.