COVID-19 CASES UMAKYAT NA SA 220,819

DOH

INIULAT ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa 220,819 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang DOH ng 3,446 mga bagong kaso virus infection.

Karamihan ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 1, 900; Laguna na may 163; Cavite na may 161 ; Leyte na may 155  at Pampanga na may 116.

Gayundin, nakapagtala naman ang DOH ng 165 na bagong gumaling mula sa sakit kaya’t aabot na ngayon sa 157,562 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa COVID-19 sa bansa.

Samantala, may 38 naman ang naitalang nasawi dahil sa virus.

Ayon sa DOH, sa bilang na ito 31 ay ngayong Agosto; 4 noong Hulyo at 3 noong Hunyo.

Sa ngayon, umakyat na sa 3,558 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19.

May 23 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.