COVID-19 CRISIS ISANG SERYOSONG BANTA — UP OCTA

Guido David

BINUWELTAHAN ng University  of the Philippines -OCTA research team ang mga nagpapakalat ng iba’t-ibang conspiracy theory hinggil sa COVID-19.

Ito’y kasunod ng pagdagsa na ng karamihan sa mga Filipino sa mga pook pasyalan at mga mall kahit nasa gitna pa ang bansa ng community quarantine dulot ng pandemya.

Ayon kay UP OCTA research team member na si Prof. Guido David, marami nang buhay ang kinitil ng COVID-19 pandemic kaya’t dapat itong manatiling banta sa kalusugan.

“‘Yung mga taong nagsasabi na conspiracy theory, na negosyo lang, suggestion ko magpunta sila sa mga hospital ng makita nila for sure, kasi may mga kapatid ako na frontliner, nakikita nila on the ground ang effects ng COVID-19. Hindi ‘yan negosyo lang, sa totoo lang ang daming negosyo na nalugi , hindi ka naman magnenegosyo para malugi talaga tapos kumita lang, ‘yung government nalugi karamihan ng tao nalugi at nawalan ng trabaho,” ani David.

Kaya binigyang diin ni Prof. David na hindi pa rin dapat magwalang bahala sa kalusugan ang publiko dahil mabuti nang ligtas sa halip na magsisi sa dakong huli.

“‘Yung nagsasabing hindi totoo, makita nila ‘yung bilang sa ibang bansa, ngayon baka ang iniisip ng iba ‘o bakit  400,000 ba’t konti na lang ba yung virus ngayon’, konti na lang talaga nabawasan talaga kasi yung active cases natin less than 30,000 na lang; ‘yung active cases ‘yung nakikita nating may sakit maraming nakarekober na wala ng virus kaya hindi na kumakalat masyado pero ngayon dumadami ulit yung active cases kapag ganito tayo na nagpapabahala tayo. Hindi ‘yan negosyo, seryoso ‘yan. Nagka-case tayo ng 40 deaths per day, may 40 na tao na nawawala na dahil sa virus kaya totoo ito,” ani David sa panayam ng DWIZ882.

Comments are closed.