NADAGDAGAN pa ang police personnel na iginupo ng COVID-19, ayon sa Philippine National Police (PNP) Health Service.
Sa datos ng PNP-HS as of March 13, 2021, 6PM, isang 54-anyos na police commissioned officer (PCO) ang nasawi sa naturang virus noong Marso 12.
Ang nasawing pulis ay edad 54, at naka-assign sa Regional Headquarters Support Unit ng National Capital Region Police Office sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.
Dahil sa karagdagang pagkamatay, sumampa na sa 33 pulis ang nasawi dahil sa COVID-19; 99 naman ang bagong hawa ng sakit, 849 pa ang patuloy na ginagamot sa iba’t ibang ospital at treatment facilities; 11,280 ang nakaligtas o gumaling; habang umabot sa 12,162 ang kabuuang kaso nito.
Una nang sinabi ni PNP Officer In Charge, Lt. Gen. Guillermo Eleazar na posibleng madagdagan ang bilang na nagpositibo sa COVID-19 dahil puspusan ang kanilang swab test.
Humiling din ang opisyal na ipagdasal si PNP Chief, Gen. Debold Sinas, gayundin ang iba pang mga pulis na naka-confine at nasa isolation na gumaling na mula sa sakit. EUNICE CELARIO
790057 332079I appreciate you taking the time to speak about them with folks. 305544
614591 93618An intriguing discussion is worth comment. Im sure which you basically write regarding this subject, could possibly not be considered a taboo subject but typically persons are too little to communicate on such topics. To yet another. Cheers 559052