COVID-19 DEATHS PABABA, DUMARAMI ANG GUMAGALING-DOH

Undersecretary Maria Rosario Vergeire

PABABA  ang bilang ng mga  namamatay sa coronavirus disease (COVID-19) habang dumarami naman ang gumagaling dito. Ito ang positibong inihayag kahapon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Naniniwala si Vergeire na ito ay dahil  higit nang nagkakaroon ng kaalaman ang mga doktor sa nasabing sakit,  na nakakatulong para mas maalagaan at mapagaling kaagad ang mga pasyente.

“Gumagaling na tayo sa pag-manage sa sakit na ito. As we move along with this pandemic, our doctors now know, mas madami silang nagagawa na at mas appropriate na ang nagiging management of our cases because mas marami na tayong kaalaman ngayon,” aniya pa.

Mayo 14 ay nadagdagan naman ng 86 ang bilang ng  COVID-19 patients na gumaling na sa virus, sanhi upang umabot na ito sa kabuuang 2,337 ngayon.

Umakyat na sa 11,876 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitatala sa bansa dahil sa panibagong 258 kaso ng  nadagdag  hanggang 4pm ng hapon ng Mayo 14.

188 o 73% ng bagong kaso ay naitala sa Metro Manila, 6% o 16 ang mula sa Central Visayas.

Umakyat naman sa 790 ang bilang ng mga pasyente  ang nasawi  dahil sa virus, matapos na makapagtala pa ng 18 bagong COVID deaths.

Patuloy  na nanawagan si Vergeire sa publiko na manatili sa kanilang mga tahanan at maging maingat upang huwag mahawahan ng virus.

Comments are closed.