KAMAKAILAN ay iniulat ni Donald Milton, isang aerosol scientist ng University of Maryland, College Park, na sinuportahan ng 237 na Infectious disease doctors, engineers at aerosol scientists, na ang COVID-19 ay naisasalin sa pamamagitan ng Aerosol or Airborne Transmission.
Ito ay na-publish sa journal na Clinical Infectious Disease, at dahil dito umusbong ang isang malaking tanong.
Ang COVID nga ba ay nakukuha sa pamamagitan ng droplet transmission gaya ng pagbahing, pag-ubo at pagsinga o ito ay isang airborne transmission infection.
Ano nga ba ang pinagkaiba ng droplet at airborne transmission at ano nga ba ang importansiya na malaman kung ano sa mga ito ang totoong mode of transmission ng COVID-19?
Ang nabanggit na sakit ay sumasalakay sa ating mga respiratory cells, ito ay nailalabas sa katawan para makahawa sa pamamagitan ng ating mga plema at sipon.
Ang paglabas ng mga secretions na ito sa katawan ng tao ay nangyayari sa pamamagitan ng pagbahing at pag ubo, ito ay kumakalat sa paligid at pag ito ay nalanghap ng isang tao, siya ay maaring mahawa ng COVID-19.
Ang airborne at droplet infection ay may pagkakaiba sa layo ng distansya na maaring maabot ng infectious respiratory secretions, at kung gaano ang itinatagal nito sa hangin.
Ang mga sakit tulad ng flu at pertussis ay na-tratransmit sa pamamagitan ng droplet rransmission, ang mga secretions sa nasabing paraan ay mabibigat at madaling bumagsak mula sa pag kakaubo ng isang tao papunta sa sahig o mga surfaces kung saan ito ay puwedeng manatili at mahawakan ng tao, at kapag ito ay nailagay o napahid sa kanilang mukha upang malanghap, sila ay maaring mahawa ng isang sakit.
Ang droplet transmission ay kumakalat mula sa pinanggalingang tao ng hanggang 6 feet lamang.
Ang airborne transmission naman ay mayroong maliit na particles na maaring kumalat sa mas malayong distansya at kayang manatili sa hangin ng matagal na oras, at may posibilidad din itong kumalat sa ibang lugar sa pamamagitan ng air current o ‘yung biglaang bugso ng hangin.
Ang droplet transmission ay maaring malabanan sa pamamagitan ng pagsuot ng surgical mask na medical grade, maayos na paghugas ng kamay at pag-sanitize ng mga surfaces na maaring pagdapuan ng mga infective secretions. Ang mga health care workers ay maaring ma-proteksyunan sa pamamagitan ng pag suot ng medical grade Personal Protective Equipments.
Ang airborne transmission naman ay nangangailangan ng mas mahigpit na pamantayan para proteksyunan ang isang tao. Ilan sa mga ito ay ang mas isolated na pagmamanage ng mga pasyente gamit ang negative pressure airborne isolation room, pagsuot ng medical grade N95 mask o kaya yung mga high level medical grade respirator, pagsuot ng googles or eye protective covering at medical grade PPEs coverall suit. Ang mga tao naman ay binibigyan ng babala sa mga sakit na Airborne na maiwasan yung matagalan at malapitang contact. Sapagkat ito ay nanatili sa hangin, maari mo itong makuha kahit sa pamamagitan ng pagsakay sa isang public transportations at pananatili sa isang kwarto lalong lalo na kung ang kasama mo sa loob na mayroong sakit na COVID ay hindi nakasuot ng nararapat na Face Mask or Respirators.
Malaki ang magiging epekto ng pagdedeklara na ang COVID-19 ay airborne sa pulisiya ng gubyerno para mapigilan ito. Ang World Health Organization at ang Center for Disease Control bilang malalaking mga authority sa larangan ng kalusugan ay wala pang nilalabas na pagsasang-ayon tungkol dito, kaya sa ngayon ang COVID-19 ay mananatiling makukuha lamang sa pamamagitan droplet transmission.
o0o
Kung may katanungan maari pong mag-email sa [email protected] o i-like ang fan page na medicus et legem sa Facebook- Dr. Samuel A. Zacate
Comments are closed.