COVID-19 HINDI PA MAWAWALA-WHO

HINDI pa mawawala sa lalong madaling panahon ang virus na nagdudulot ng COVID-19.

Binigyang diin ito ni Dr Takeshi Kasai, Regional Director ng WHO Western Pacific Region dahil sa mabilis na pagkalat ng Delta variant.

Sinabi ni Kasai na malaking banta ang Delta variant at iba pang uri ng coronavirus sa kapasidad maging sa pinakamalakas na public health systems sa iba’t ibang rehiyon at kahit pa magsanib puwersa ang internatonal community ay hindi mabubura ang COVID-19.

Nakita aniya nilang ang mabilis na hawahan ng virus sa loob ng mga bahay ay dulot ng Delta variant.

Ayon kay Kasai, ang pinakaepektibong panlaban sa virus ay pagpapa bakuna at iba pang hakbangin kabilang ang agarang pagtugon sa pagsirit ng kaso.

BAKUNA SA MGA BATANG MAY
COMORBIDITIES
OK SA WHO

Suportado ng WHO Western Pacific Region ang pagbabakuna sa mga batang may comorbidities sa mga lugar na mayroong malawak na hawahan.

Ito ayon kay Dr. Socorro Escalante, Coordinator for Essential Medicines and Health Technologies na bagamat hindi naman ganoon maaaring maapektuhan kaagad ng COVID-19 ang mga bata kumpara sa iba pang age group.

Subalit dapat pa rin aniyang i-prioritize ang mga matatanda na madaling tamaan at mahawahan ng COVID-19.

Una nang inihayag ng health authorities na hindi pa panahon para bakunahan ang mga bata at kabataan dahil kailangan pa ng dagdag na impormasyon kung talaga bang ligtas ang pagbabakuna sa mga ito. DWIZ882

6 thoughts on “COVID-19 HINDI PA MAWAWALA-WHO”

  1. 145430 765606I was curious if you ever considered changing the layout of your blog? Its very well written; I love what youve got to say. But maybe you could a little more in the way of content so people could connect with it better. Youve got an awful lot of text for only having one or two pictures. Maybe you could space it out better? 348181

Comments are closed.