NUEVA ECIJA- HINDI ang coronavirus disease ang dahilan ng kamatayan ng pulis na infected ng nasabing virus kundi ang sarili niyang armas habang naka-confine sa isang ospital sa San Jose City.
Kinilala ang pasyente ng COVID-19 na si SSgt. Reynante Menia, 43-anyos ng Zone 1, Barangay Villa Joso at naka-detail sa Rizal Police Station.
Sinabi ni Lt. Col. Criselda de Guzman, hepe ng San Jose City Police na nitong Oktubre 8 ay inadmit sa Ospital ng Lungsod ng San Jose ang biktima makaraang magpositibo sa coronavirus disease gayunman habang naka-confine ay nilinis nitong service firearm na caliber 9mm Pietro Beretta at aksidente nakalabit na tumama sa kanyang ulo dahilan ng daglian niyang kamatayan.
“Menia died on the spot after he accidentally shot himself, while cleaning his caliber 9mm Pietro Beretta pistol which he regularly does,” ayon sa imbestigador.
Mismong ang misis ni Menia ang tumawag sa duty nurse makaraang marinig ang putok ng baril. EUNICE CELARIO
40388 50880This is sensible information! Where else will if ind out far more?? Who runs this joint too? sustain the excellent function 284518
95086 355038Just wanna remark on few common things, The internet site style is perfect, the subject matter is rattling great 786159