COVID-19 KICK OFF CEREMONY IDINAOS

LAGUNA – Pormal na idinaos ang Covid-19 Kick Off Ceremony sa Pagamutang Panlalawigan ng Laguna (PPL) sa lungsod ng San Pablo.

Pinangunahan ni Department of Health (DOH) Calabarzon Regional Director Dr. Eduardo Janairo kasama sina Laguna Governor Ramil Hernandez, Vice Governor Atty. Karen Agapay at San Pablo City Mayor Loreto Amante ang nasabing pagtitipon.

Umaabot sa 400 dosages ng Sinovac ang ipinagkaloob ng Pamahalaan sa lalawigan ng Laguna para magamit sa pagbabakuna.

Ito ang kauna-unahang isinagawang pagbabakuna sa may mahigit na 300 Health Workers/Frontliners sa lungsod.

Ayon kay Janairo, ito ang araw na mapagpalaya para labanan ang virus na ito na hindi natin nakikita na patuloy na namiminsala.

Una rito, nagsagawa rin si Janairo ng Kick Off Ceremony sa lalawigan ng Rizal nitong nakalipas na ilang araw.

Samantala, pinangunahan naman ni PPL OIC Director Dr. Edgar Palacol ang pagpabakuna kasunod ang iba pang opisyal at mga kawani ng naturang pagamutan kung saan sinaksihan ito ng nabanggit na mga opisyal.

Pinapurihan din ni Amante ang National Government sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte at opisyal ng IATF dahil ang lalawigan ng Laguna ang unang tumanggap ng Covid-19 Sinovac Vaccine. DICK GARAY

2 thoughts on “COVID-19 KICK OFF CEREMONY IDINAOS”

Comments are closed.