DUMATING na sa bansa ang isang C-130 plane ng Philippine Air Force sakay ang $2.5 million laboratory equipment para sa corona-virus na binili ng Filipinas sa China.
Nagtungo nitong Martes sa Shenzen, China ang C-130 para kuhanin ang COVID-19 equipment na ang halaga ay umaabot sa $2.5 million.
Bandang alas 2:40 ng madaling araw nang lumapag sa Clark International Airport ang C-130 dala ang gamit na binili mula China.
Nabatid na ang BGI COVID-19 equipment ay itatayo sa loob ng pito hanggang sampung araw sa pamamahala ng Department of Health.
Sinasabing oras na maging ng operational ang nasabing laboratory equipment ay magkakaroon na ang Filipinas ng kakayahang makapag-sagawa ng hanggang 45,000 na COVID-19 tests. VERLIN RUIZ