COVID-19 MASS TESTING GINAWA SA QUEZON

NAGSASAGAWA  ng COVID-19 mass testing ang Department of Health (DOH)-Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) sa lalawigan ng Quezon matapos na makapagtala ng Delta variant cases doon, sa ilalim ng kanilang inilunsad na ‘Project DELTA’ o ‘Detect Early Local Transmission through Antigen Testing.’

Ayon sa DOH-Calabarzon, ang Project DELTA Team ay pinamunuan ng Regional Infectious Disease Cluster and Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU), katuwang ang mga opisyal ng lalawigan, sa pagsasagawa ng antigen testing sa mga residente ng Brgy. Manggalang sa Sariaya, Brgy. Buliran, San Antonio at Brgy. Lusacan sa Tiaong noong Setyembre 1 hanggang 3, 2021.

Noong Setyembre 5, 2021 naman, iniulat ng Regional Biosurveillance Update na kabuuang 298 Delta variant cases ang naitala mula sa limang lalawigan sa rehiyon, na kinabibilangan ng Laguna (85 cases), Cavite (71 cases), Rizal (62 cases), Batangas (43 cases), at Quezon (26 cases). Nakapagtala rin naman ang Lucena City ng 11 kaso.

Sinabi naman ni Regional Director Eduardo C. Janairo na may dalawa pang kaso ang na-admit para malunasan sa Quezon.

“A total of 172 patients have recovered and 116 individuals are for verification,” aniya pa.
Samantala, iniulat ng DOH-Calabarzon na mayroong walong Delta variant deaths silang naitala sa rehiyon.

Sa naturang bilang, tig-dalawa ang naitala sa Rizal at Quezon, at tig-isa naman sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna at Batangas habang ang Lucena City, ay nakapagtala rin ng isa.
Pinayuhan naman ni Janairo ang mga residente na patuloy na tumalima sa ipinaiiral na standard safety protocols ng pamahalaan, at umiwas sa mga matataong lugar upang hindi mahawahan ng virus.

“Better stay at home and be safe,” aniya pa. “Magpalista na sa inyong mga lokal na pamahalaan upang makatanggap ng bakuna laban sa Covid virus. Napakaimportante ngayon na magkaroon ng proteksyon lalo pa at dumarami ang kaso natin sa rehiyon.”

Kaugnay nito, nabatid rin na mayroon nang kabuuang 4,934,493 indibidwal sa rehiyon ang naturukan na ng COVID-19 vaccine, mula sa kabuuang alokasyon na 6,439,936.

Hanggang nitong Setyembre 6, 2021 naman, kabuuang 275,747 COVID-19 cases ang naitala sa rehiyon.

Sa naturang bilang, 39,104 ang aktibong kaso pa, 228,645 naman ang nakarekober na mula sa sakit, at 7,998 naman ang binawian ng buhay.

Tiniyak ni Janairo na ipagpapatuloy nila ang pagsasagawa ng mass antigen testing upang matukoy ang mga COVID-19 cases sa rehiyon at maiwasan ang pagkalat pa nito sa mga komunidad. Ana Rosario Hernandez

227 thoughts on “COVID-19 MASS TESTING GINAWA SA QUEZON”

  1. п»їMedicament prescribing information. Read now.
    clomid tablet
    Comprehensive side effect and adverse reaction information. Everything information about medication.

  2. Learn about the side effects, dosages, and interactions. Medicament prescribing information.
    https://edonlinefast.com ed meds
    Some are medicines that help people when doctors prescribe. Medscape Drugs & Diseases.

Comments are closed.