COVID-19 PANDEMIC BILANG BATAYAN PARA SA ML DECLARATION IDINEPENSA

CAMP AGUINALDO-SANG-AYON si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na puwedeng maging batayan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkalat ng coronavirus disease  (COVID-19) pandemic sa bansa para magdeklara ng martial law.

Ayon kay Lorenzana, technically tama si Panelo dahil ang virus ay nagmula sa ibang bansa at kumalat o sumakop sa buong mundo.

Subalit ang pangunahing isyu aniya dito ay ang kalusugan ng mga Pilipino o ang giyera laban sa nakakamatay na virus.

Paliwanag ni Lorenzana maging ground man ito o hindi para magdeklara ng martial law sa huli nasa desisyon pa rin ng Pangulo kung nais nyang ipatupad ang batas militar lalo na ngayong nasa health crisis ang bansa. REA SARMIENTO

Comments are closed.