NAGPASYA ang cabinet-level Development Budget Coordination Committee (DBCC) ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte na bawasan ang taxable year 2020 collection targets ng Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs mula sa P2.26 trilyon para maging P1.744 trilyon (BIR) at mula sa P706.881 bilyon ay magiging P520.4 bilyon naman sa BOC.
Kauna-unahan ito sa kasaysayan, sanhi ng pinsalang idinulot ng pandemic COVID-19 na nakaapekto ng malaki sa sistema ng tax collections ng BIR at BOC.
Ang rebisyon ng tax collection ng dalawang ahensiya ay ginawa base sa resulta ng economic contraction na nagrehistro sa 2% hanggang 3.4% na nakaapekto sa tax collection program ng Kawanihan at Aduana.
Ang ginawang pagkaltas sa tax collection goal ng BIR at BOC sa pamamagitan ng DBCC na domino effect sa sistema ng pangangalakal ay naglagay sa kahinaan ng katayuan sa pagitan ng taxpayers at mga negosyante sa bansa.
“This is to confirm the revised downward collection targets of BIR – P1.744 trillion and BOC – P520.4 billion for P2020,” anang pahayag ni newly-appointed Finance Department Spokesman Rolando Toledo na sinuportahan ni Finance Undersecretary and Chief Economist Gil Beltran na siya ring budget undersecretary.
Si Budget and Development Secretary Welden Avisado na tumatayong chairman ng makapangyarihang DBCC ang nagdedesisyon sa pagtaas at pagbawas ng target tax collection goal ng BIR at BOC.
Sa kanyang paliwanag, sinabi ni Beltran na nabuo ang desisyon ng DBCC ukol sa downward revision ng target tax goal dahil sa ‘lower economic growth, lower imports na nagresulta ng pagbagsak sa tax base.
Aminado ang mga opisyal ng Finance Department, Rentas at Aduana na ang pagbagsak ng tax collection ay bunsod ng makailang ulit na pagpapalawig ng tax deadline. Sa economic analysis ng mga tinaguriang finance experts, itinuturing nilang isang malaking dagok sa kasaysayan ng bansa ang nangyaring pagkaltas sa tax collection goal ng BIR at BOC.
Dahil sa malaking kinaltas sa iniatang na koleksiyon sa buwis, asahan natin na malaki rin ang suliraning kakaharapin ng pamunuan sa budgetary measures sa paglalaan ng pondo at gastusin sa mga makabuluhang proyekto, epekto ng kakulangan ng pondo.
Sa pahayag ng economic composite team na kinabibilangan nina Secretary Dominguez, Public Works and Highways Secretary Mark Villar, Transportation Secretary Arthur Tugade at newly-installed Economic Development Authority Secretary Karl Chua, sapat ang budget ng Duterte administration para tapusin ang build build build program.
“Sa tingin ko naman, kaya namin habulin ang target implementation. Itong taong 2020 ang itinunuring na ‘banner year’ para sa massive infrastracture program. “The build build program is worth over P2 trillion and is composed of thousands of infrastracture project scheduled throught out the term of President Duterte, who made it this goal to make his administration gaya ng EDSA decongestion program para lumuwag ang trapiko na nasa 20% to 30% na ang natatapos, ang rehabilitation ng Ninoy Aquino International Airport at ang kontruksiyon ng Bulacan Airport project,” sabi ni Secretary Villar.
Asahan pa riiyan, ayon naman kay San Miguel Corporation President and Chief Executive Officer Ramon Ang, ang planong pagtatayo ng elevated toll road para malutas ang matinding trapiko sa EDSA upang maging 10-lanes ang express way upang madagdagan ang madadaanang kalsada ng mga motorista sa EDSA matapos nilang lagdaan ni Secretary Tugade ang concession agreement sa pagtatayo ng bagong P735 milyong Manila International Airport (MIA) sa Bulacan.
Kaya naman aligaga si BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay kina Metro Manila BIR Regional Directors Albin Galanza at Romulo Aguila (Quezon City-A and B), Jethro Sabariaga (City of Manila), Glen Geraldino at Maridur Rosario (Makati City A and B) at Grace Javier (Caloocan City) Dava City Director Jose Catapia at iba pa na pursigihin ang pangongolekta ng buwis para mapunan ng pondo ang mga pangunahing proyekto ni Presidente Duterte.
(Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag-email sa [email protected])
Comments are closed.