ISA sa mga pangunahing dahilan pa rin na ikinamamatay ng mga Filipino ang Covid 19.
Ito ay batay sa talaan na inilabas ng Philippine Statistics Authority.
Sa inilabas na preliminary report ng PSA, para sa buwan ng Enero at Pebrero, pang anim ang Covid 19 sa mga sakit na ikinakasawi ng mga Filipino.
Pangunahin naman sa mga sakit na ikinamamatay ay ang ischemic heart disease, cerebrovascular disease at cancer.
Pang apat ay ang diabetes habang panlima ang hypertension.
Sa talaan ng PSA, aabot sa mahigit 3,000 Filipino ang nasawi dahil sa Covid 19 sa loob ng dalawang buwan sa taong 2022.
Kabilang naman sa rehiyon na nakapagtala ng mataas na bilang ng nasawi dahil sa Covid 19 ay ang Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon.
Wala naman naitalang kaso ng pagkamatay dahil sa Covid 19 sa BARMM. Beth C