NORTH COTABATO– DALAWANG barangay sa bayan ng Makilala sa lalawigang ito ang isinailalim sa 14-day lockdown makaraang makisalamuha at maghasik ng virus ang isang kawani ng local government unit (LGU) na positibo sa COVID-19 kamakalawa.
Ayon kay Makilala LGU spokesperson Lito Cañedo, nadismaya ang mga opisyal ng dalawang barangay na nabalewala ang kanilang pag-iingat at safety measures upang hindi makapagtala ng kaso ng COVID-19, nakapasok naman ang hindi residente sa kanilang lugar na carrier pala ng virus.
Sa isinagawang contact tracing, aabot sa 100 residente ang sasailalim sa 14-day quarantine sa Barangay Libertad at Barangay Jose Rizal na sinasabing nagtungo at nakipag-inuman pa sa kanyang mga kaibigan ang nasabing kawani ng Kidapawan City-LGU na positibo sa COVID-19.
Mag-iisyu na rin ang opisyal ng barangay ng local quarantine pass para sa mga residente upang ma-monitor ang paglabas at pagpasok ng mga residente sa 4 na purok.
Tiniyak naman ni Cañedo na mabibigyan ng tulong ang 100 pamilyang apektado ng virus.
Samantala, ayon naman kay Provincial-IATF Dr. Philbert Malaluan, naitala ang 5-buwang gulang na sanggol na babae na may sintomas ng COVID-19 noong Setyembre 8 na agad dinala sa Cotabato Regional Medical Center kung saan ito ang pinakahuling pasyente sa North Cotabato noong Lunes. MHAR BASCO
Comments are closed.