POSIBLENG mahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga baboy, matapos na makitaan ng virus ang swine tissue nito dalawang linggo matapos maimpeksiyon.
Ito ay batay sa pag-aaral ng Canada kasama ang mga researcher sa Estados Unidos na ipinaskil sa biorxiv.org.
Pumili ang mga ito ng 16 na malulusog na American Yorkshire crossbred pig at binigyan nila ito ng isang milyong virus particle at dito na umano nila napatunayang posibleng mahawaan ng COVID-19 ang mga ito.
Paliwanag ng mga ito, nasa 80% kasi ang pagkakahalintulad ng receptor protein ng mga tao at mga baboy.
Lumalabas din sa kanilang pananaliksik na kayang manatili ng SARS-COV-2 virus sa swine tissue sa loob ng 13 araw at kabilang sa mga sintomas na kanilang nakita sa mga baboy ang pagluluha, pag-ubo, sipon at maging ang mild depression.
Samantala, agad namang kinatay ang mga baboy at walang nakita na pinsala dulot ng impeksyon ng SARS-COV-2.
Matatandaang una nang nadiskubre ng China na may COVID-19 ang mga manok mula sa Brazil.
Samantala, malabo pang maging COVID-19-free ang Filipinas pagsapit ng Pasko.
Ito ay kahit na halos nagpapaligsahan na ang mga drug manufacturer at iba’t ibang bansa sa paglikha ng bakuna para rito.
Ayon kay Dr. Jaime Montoya, executive director ng Philippine Council for Health Research and Development ng Department of Science and Technology, marami pang proseso ang pagdaraanan ng mga ginagawang bakuna.
Aniya, mas kapani-paniwala kung sasabihin na sa susunod na taon pa maidedeklara na COVID-19-free ang bansa. DWIZ882
Comments are closed.