COVID-19 POSITIVE COPS SA PNP-NHQ NAKAREREKOBER NA

LIMANG pulis na lamang  ang nagkokompleto ng 14-day quarantine sa mga converted health facility sa Philippine National Police (PNP) National Headquarters sa Quezon City.

Sa ulat na ipinadala ng PNP Health Service kay PLt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, Deputy Chief for Administration  at  Administrative Support  to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) commander,  limang pulis na lamang ang nananatili sa Kiangan at Taekwondo converted quarantine facilities.

Nangangangahulugan  aniya na “recovered” na ang mga nakalabas  at negatibo na ang resulta sa huling COVID-19 test.

As of June 2, sa Kiangan Billeting Center apat na lamang na pulis  ang naka-isolate doon kabilang ang dalawang bagong admit na COVID-19 positive cops habang isa na lamang ang nasa Taekwondo facility.

Sinabi ni Cascolan na ang Kiangan ay itinalagang quarantine facility sa mga asymptomatic  COVID-19 positive habang ang Taekwondo ay para naman sa mga pulis na Probable COVID-19 asymptomaticv IGM positive.

Samantala noong  Lunes, June 1,  64 katao ang nakuhanan ng swab sample sa Mall of Asia swabbing facility kung saan ang PNP din ang nag-deploy ng 63 tauhan doon gaya ng supervisor, admin staff, swabbers, ushers, thermal scanners, receptionist, transporter,  driver, security, security officer at team mula sa chemical, biological, radiological, nuclear and explosives (CBRNE).

Inaalagaan naman ng PNP Medical Corps ang 25 pasyente sa PICC Stepdown facility sa Pasay City gayundin ang 78 civilian COVID-19 positive asymptomatic sa Ultra o Philsports complex sa Pasig City. EC

Comments are closed.