COVID-19 POSITIVE NA MRT PERSONNEL NADAGDAGAN

MRT-3-6

PATULOY na  nadaragdagan ang bilang ng mga  empleyado ng MRT 3 na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Asec. Goddes Hope Libiran, nasa kabuuang 203 ang bilang ng mga MRT personnel na nagpositibo sa COVID-19.

Ito  ay matapos na isalang sa COVID-19 tests ang nasa 3,304 na mga empleyado ng MRT 3.

Habang nagnegatibo naman sa COVID-19 ang nasa 1,199 na mga empleyado  nito.

Mangangailangan ng 1,308 empleyado para makabalik operasyon ang MRT 3.

Matatandaang ipinatigil ang operasyon ng MRT 3 matapos na mapabilang ang 14 na ticket sellers sa mga nagpositibo sa COVID-19.

Comments are closed.