COVID-19 POSITIVITY RATE SA METRO TULOY SA PAGBABA

PATULOY  na bumaba ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.

Ayon kay Dr. Guido David, OCTA Research fellow, nasa 4.9 porsiyento na lamang ang positivity rate, mas mababa sa five percent threshold na inirekomenda ng World Health Organization.

Nanatili sa low risk ang Metro Manila maging ang Batangas, Cavite, Laguna,at Rizal.

Lumagapak aniya sa very low risk classification ang Quezon.

Iniulat ng Department of Health (DOH) araw ng Martes, Pebrero 22, na nasa 1,019 ang bagong COVID-19 cases, ang pinakamababang daily tally ngayong taon na nagbunsod sa kabuuang kaso ng COVID-19 na 3,654,284.