TAGUIG- DAHILsa dumaraming bilang ng Person Under Investigation (PUI) at Person Under Monitoring (PUM) dahil sa COVID -19 nagtayo na rin ang Philippine Navy ng Emergency Quarantine Facilities (EQF) sa kanilang Naval Station sa lungsod na ito.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Lt .Commander Maria Christina Roxas, ginawa ang EQF sa training center ng Naval Combat Engineering Brigage sa Taguig.
Prayoridad ng itinayong EQF ay ang mga sailor at marines na nagmamando sa mga iba’t ibang quarantine assistance stations sa National Capital Region.
Kinakailangan sumailalim sila sa quarantine kung nakararanas ng sintomas ng COVID-19.
Kung kinakailangan naman magtatayo rin ang Philippine Navy ng EQF para magamit ng mga sibilyang PUM at PUI.
Sinabi pa ni Roxas maging ang iba’t ibang military facilities ay inatasan na rin magtayo ng mga karagdagang mga Emergency Quarantine Facilities. REA SARMIENTO
Comments are closed.