COVID-19 RECOVERIES RECORD HIGH (270 pasyenteng gumaling naitala ng DOH)

Covid recover

INIULAT ng Department of Health (DOH) na record high ang naitala nilang bilang ng mga pasyenteng nakarekober mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) kahapon, na nasa 270 recoveries.

Dahil rito, umakyat na sa 5,165 ang bilang ng mga pasyenteng guma­ling mula sa virus hanggang alas-4:00 ng hapon ng  Hunyo 11.

Samantala, umakyat din naman sa 24,175 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala pa ang DOH ng 443 na karagdagan pang kaso ng sakit.

Sa naturang bilang, 253 ang fresh cases habang 190 naman ang late cases.

Sa mga fresh cases na ito, 35 ang mula sa National Capital Region, 66 sa Region 7, ang 152 naman ay mula sa iba pang lugar sa bansa.

Sa  late cases naman, ang 48 ay mula sa NCR, 6 sa region 7 at 136 naman sa iba pang lugar sa bansa.

May siyam namang naitalang nasawi dahil sa COVID-19 sanhi upang umabot na sa 1,036 ang kabuuang bilang ng nasawi sa bansa dahil sa sakit. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.