COVID-19 REINFECTION NAITALA SA US

COVID-19 REINFECTION

NAITALA  sa Estados Unidos ang kaso ng reinfection ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa ulat, isang 25 taong gulang na lalaking pasyente mula sa Reno, Nevada ang sinasabing naitalang kaso ng reinfection ng COVID-19.

Ito ay matapos na magpositibo ang pasyente sa COVID-19 noong Abril kung saan nakitaan  ito ng o hindi malalang sintomas ng sakit, kung saan muli itong nagpositibo sa COVID-19 noong Mayo ngunit naging kritikal na ang lagay nito.

Una rito, nakapagtala rin ng tatlong kaso ng re-infection ng COVID-19  sa Hong Kong at dalawa mula sa Europa.

Samantala, pumalo na sa 24.61 milyon ang bilang ng kaso ng (COVID-19) sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling ulat ng World Health Organization (WHO), sa bilang na ito pumapalo na sa 832,000 naman ang bilang ng mga nasawi.

Habang nasa 17,200,000 naman ang bilang ng recoveries, o  mga gumaling.

Samantala, sa Filipinas nasa 209,544 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 kung saan nasa mahigit 3,000 na ang bilang ng mga nasawi.

Comments are closed.