INIULAT ng independiyenteng OCTA Research Group na lalo pang bumaba ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region (NCR) kahapon, at posibleng bumaba pa ito ng hanggang 1 na lamang sa ikatlong linggo ng Setyembre.
Batay sa pinakahuling ulat ng OCTA, nabatid na hanggang nitong Setyembre 2 ang NCR reproduction number, o ang bilang ng taong maaaring ihawa ng isang pasyente ng COVID-19, ay nasa 1.39 kumpara sa 1.43 na naitala noong Agosto 31.
“Based on current trends, it is possible that the reproduction number in the NCR may decrease below 1 by the third week of September,” ulat nito.
“Until then, we expect new cases to continue to increase, albeit at a slower growth rate,” dagdag pa nito.
Nabatid na ang NCR ay nakapagtala ng average na 4,637 bagong COVID-19 cases kada araw mula Agosto 26 hanggang Setyembre 1. Mas mataas ito ng 12% kumpara sa daily average ng naunang linggo.
Samantala, iniulat din ng OCTA na ang average daily attack rate sa NCR ay nasa 33.20 cases per 100,000 population na nasa critical level; ang positivity rate ay nasa 24%; hospital bed occupancy ay nasa 69% at ang ICU occupancy rate naman ay nasa 71%.
Nitong Miyerkoles, iniulat ng Department of Health (DOH) na ang NCR ay nakapagtala ng 39,388 active cases ng COVID-19.
Sa kabilang dako, sinabi rin naman ng OCTA report na ang may pitong local government units (LGUs) na bumaba na sa single-digit ang growth rate, kabilang ang Muntinlupa (9%), Pasay (0%), Malabon (6%), Valenzuela (3%), Manila (0%), Caloocan (3%) at Quezon City (4%). Ana Rosario Hernandez
978517 262103I dont believe Ive seen all of the angles of this subject the way youve pointed them out. Youre a true star, a rock star man. Youve got so a lot to say and know so a lot about the topic that I think you need to just teach a class about it 547552
810114 284208A thoughtful insight and suggestions I will use on my weblog. Youve obviously spent lots of time on this. Thank you! 58229